Mga sektor ng Agrikultura
PAGSASAKA: Ating Paunlarin
Mahalaga ang papel ng mga magsasaka sa ating bansa. Sila ang bumubuhay sa mga nakaparaming mamamayang Pilipino. Ang pinagkukunan natin ng pagkain at katulong sa pag-unlad ng ating bayan. Kumusta na nga ba ang mga magsasakang Pilipino? Ano na kaya ang kalagayan nila ngayon?
Retrieved from: https://dumielauxepices.net/wallpaper-1260174
Mabilis na pagbabago ng ating panahon ngayon. iba na rin ang pananaw ng mga tao, ang pagbubungkal ng lupa, pag-aalaga ng kalabaw at pagbilad sa araw ay unti-unti na ring nilisan ng mga kabataan sa bukirin.
Mas pinili nilang magtrabaho sa mga lungsod at iwanan ang pagsasaka. Ang pumasok sa mga opisina at pabrika ang nais nilang trabaho. Kaya't unti unti na rin ang ating mga magsasakang Pilipino. Dahilan ng nga napabayaang lupa at lumiiy ang produksyon ng mga ani. Kinakailangan nq rin nating bumili ng mga bugas mula sa ibang bansa, na minsan ay nasa mataas pa na halaga. Kaya't mahalaga na pagtuunan multi ng pamahalaan ang pagsisigasig sa mga magsasaka sa pagbuhay muli sa masaganang ani ng bukirin.
PAGHAHAYUPAN: Parte ng Kasaysayan, Parte ng Ating Kasalukuyan

Pakinggan ang likas na ibinigay ng may kapal. Para sa iba ito'y maingay pero ito'y nagbibigay buhay. Ni minsan hindi ito naging madali, ang bungga naman nito ay nakabababago. Sa pagdaan ng panahon, paghahayupan ang isa sa naging rason sa pag unlad ng ating bayan. Mula sa pag-aalaga ng mga hayop, pagpapakain nito, hanggang sa pagkatay, halos hindi mo masabing napakadali nito.
Retrieved from : https://www.atovianimalg2.com/copy-of-natural-livestock-productio
Hindi na bago sa pandinig natin ang agribusiness. Hangad ng bawat taong nagnagalaga ng hayop ang Magkaroon ng maunlad na industriya sapagkat may malaking ambag ito sa pagsulong sa pagunlad ng ating bansa. Kaya Tungkulin na ng pamahalaan na siguraduhin ang kalinisan at seguridad ng bawat pasilidad. Isipin natin ang naging problema sa Bird flu, dapat maagapan ito ng maaga bago pa lumaganap at maging problema para sa kalusugan ng mga mamamaya. Mula noon hanggang ngayon, ang sektor ng paghahayupan ay naging parte na ng ating ekonomiya. Parte ng kasaysayan, parte ng ating kasalukuyan.
KARAGATAN: Yaman sa Kalikasan
Tawag ng karagatan ating pakinggan. Tinig nga isda'y nandyan pa ba o sa yamang-dagat, mayroon pa bang natira?
Madalas pangingisda ang isa sa mga hanapbuhay ng maraming Pilipino. Yamang-dagat ay may napakalaking naitutulong sa mga tao. Ito ang isa sa mga paraan ng mga Pilipino upang kabuhayan ay maisakatuparan.
Ano nga ba ang naibibigay ng dagat? Isda at mga perlas ang kayang ipagmamalaki nito. Karamihan ay gumagamit ng dinamita o sa madaling salita ay illegal na pangingisda. Pagkasira ng karagatan ay pagkasira na rin sa buhay at bayan. Di ba nila alam na ito ay mahalaga? Di ba nila alam na mahalaga ito sapagkat isa ito sa mga bagay na makkatulong sa pag-unlad ng bansa o inuuna lang talaga nila ang pagpapalaganap ng pera? Maraming mga maliit na isda ang nasayang dahil sa pag-abuso ng mga tao pero di parin sila natuto.
Alam naman nating lahat na napakahirap kumita ng pera pero ang paggamit sa illegal ay nakakasama sa kalikasan. May kaugalian man tayong gustong mapadali ang pera ay sana naman hindi sa illegal mapunta ang usapan.
Ang pangalagaan ang karagatan ay dapat bigyan ng atensyon lalong-lalo na sa mata ng mga kabataan. Simulan sa sarili ang kalikasan upang ito ay maibahagi bayan. Tayo'y magtulungan at boluntaryong magsikap para sa bayan. Isipin natin ang karagatan dahil ito ang pinakamalaking biyaya ng Poong Maykapal.
Likas na Yaman ng Kagubatan
![]() |
| Retrieved from: http://kaiicastle.blogspot.com/2017/03/ |
Kung likas na yaman ang pag-uusapan, isa na dito ang ating kagubatan, na nabibilang rin sa sektor ng agrikultura. Dito makukuha ang mga hilaw na materyales na ginagamit sa pagpapatayo ng ating mga tahanan at mga halaman na maaaring gawing sangkap sa paggawa ng mga gamot at palamuting galing sa gawahalaman.
Sa pang-ekonomikong gawaing pang- agrikultura naaangkop dito ang paggugubat. Sa paggugubat natin matututunan kung paano pahalagahan ang ating likas na yaman na siyangpinagkukunan natin sa ating pangkabuhayan. Kung saan dito natin maimulat ang ating mga mata na dapat may matanim upang may maani. Ngunit dahil sa ilegal na pagputol at paglabag sa batas, unti-unting nauubos ang mga punong-kahoy na umaabot pa ng maraming taon bago pa mapalitan. Dahil din dito, mas delikado sa mga pagbaha at posiblrng magka- landslide.
Maraming maitutulong ang kagubatan natin kaya dapat natin itong ingatan. Ito ang nagsisilbing proteksiyon natin sa malalakas na hangin mula sa bagyo at laban na rin sa mga baha. Kaya dapat natin ibalik ang kabutihang ibinigay nito sa atin upang patuloy itong magbibigay yaman mga bagay na hindi kailan man matutumbasan ng salapi.
Members:
Goles, Rossangellie Mae
Colina, Maria Delvuen
Jaquez, Sheena Mae
Baylosis, Carbe Crishia
Limbaga, Shedyl Alexa
Raboy, Keith Charmie





